Hi, Nak! 💕
Have a blessed 19th birthday! 🎂✨
Another year has been added to your age—pero number lang naman ang tumataas. Sa looks, parang pareho pa nga tayong pabata nang pabata. 😆
First of all, gusto kitang batiin at mag-sorry din sa medyo late kong greeting. Honestly, hindi ko na maalala kung nasabi mo ba sa akin before kung kailan exactly ang birthday mo. Ang natatandaan ko lang talaga, sinabi mong magpapa-RP ka sa mismong birthday mo. 😆
More than a year na rin pala tayong magkakilala, no? Kung tama ang pagkakatanda ko, July ko kayo unang nakilala ni Mell, tapos August yata noong sinabi kong gusto ko kayong maging mga anak. 😅 Sorna agad. Hahaha.
But seriously, I'm really happy and grateful na nakilala ko kayong dalawa. Kahit hindi pa tayo nagkikita personally, somehow, sa isip at puso ko, parang tunay ko talaga kayong mga anak. Hindi ko man ma-explain nang maayos kung bakit, pero naging ganoon na lang talaga kayo kaimportante sa akin.
Of course, may mga panahon na nagkakalayo tayo or hindi tayo gaanong nakakapag-usap, at syempre nami-miss ko kayo kapag ganoon. Pero naiintindihan ko naman na may sarili kayong buhay, pinagdadaanan, at reasons. Ang mahalaga sa akin, after everything na pinagdaanan ng fam—and natin bilang anak at online daddy mo—nandito pa rin tayo. We still care, we still support one another, and I'm really thankful for that. 💕
And since birthday mo, may isa lang talaga akong gustong lagi mong tandaan, especially when it comes to your heart:
Please always guard your heart, Nak. Choose yourself when you need to. Know your worth and never settle for anything less than the love and respect you deserve.
Nineteen ka pa lang. Marami ka pang oras, experiences, at chapters na pagdadaanan. Give yourself the chance to know yourself more—kung ano talaga ang gusto mo, kung ano ang deserve mo, at kung sino talaga ang tamang taong deserving na makasama ka.
Huwag kang magmadali. What is truly meant for you will find its way to you at the right time.
Andito lang ako palagi. Hindi man ako perfect na online daddy, I’ll always be here to support you, listen to you, and guide you whenever you need me.
Happy 19th Birthday again, Nak! 🥳💕
May this new chapter of your life bring you more happiness, peace, growth, genuine people, and countless reasons to smile.
Stay blessed, always. 💕